Sunday, September 23, 2012

Happy Sunday

Alienated. Powerlessness. Hopelessness.

At this point in time, masasabi kong alienated ako. Ang hirap pala ng ganitong sitwasyon. I feel trapped in a situation wherein there could be a solution but I just can't find the way how to establish that solution.

Ang hirap. Masakit sa puso. I feel like crying all day. At wala pa akong masabihan ng problema ko. Para bang ayoko na lang. Ayoko sa lahat ng bagay. Nawalan na ko ng gana. Ang malungkot pa nito, para sa pamilya ko lumalayo ang loob ko.

"It's not about the money". Ulol mo Jessie J. Anong it's not about the money?

HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY. </3

Siguro nga bipolar ako. Dahil ang bilis kong magbago ng mood. Pakiramdam ko nga pwede na akong artista eh. Biruin mo konting kibot lang, kaya kong magpalit ng emotion at mood. O diba? Konting workshop na lang sa ABS pwedeng pwede na.

Ayoko na. Pagod na ko. Konti na lang baka di ko na to kayanin. Ayokong sumuko. Pero ang hirap magpatuloy sa mga panahon na pakiramdam kong wala akong kapangyarihan para baguhin ang mga nangyayari.

Sana pagkatapos nito, maging okay na ko. Makabalik na ko uli sa dati. At makapagfocus ako sa mga ginagawa ko.

Kaya mo yan Janneth. Wag kang susuko! AJA!

No comments:

Post a Comment